办事指南

Kung Sakaling Sa Iyo Pa Rin Ito

点击量:   时间:2017-05-17 10:05:09

I. Iniisip ko kung Sana nandito ka pa

Pitong taon,pito na pala kung di ka naman nawala Hahanapin pa kaya kita

Akala ko natapos na Akong maghanap ng ikaw,ng saiyo at oo,naghanap nga ako,ng katulad mo,Ng bukod sa iyo

在oo,bumabalik akong wala,laging wala walang nahanap na ikaw - o siya,o ako

Pitong taon ng dalawampu't limang alaalang dala-dala ko

II

Binibilang ko ang lahat ng mga iniwan mo sa akin:1 berdeng journal na hindi ko sinulatan kailanman(2011)2 t-shirt na ginawa ko nang basahan(pero nasa akin pa rin)3 librong hindi ko na alam kung nasaan(natapos ko kayang basahin ang mga ito

)III

印地语ako tumigil sa paghahanap sa iyo - Sa paghahanap sa iyo,hindi ako tumigil ... Nakikitakita sa mga estudyante kong lagi kong iniiwasang kausap

Naririnig kita sa mga musikang basta na lamang tumutugtog - sa fx,sa taxi,sa kung saan mang kainan,at oo - kahit at lalo sa simbahan

Naamoy kita在panaginip a ala alaala

Nalalasahan kita satuwing biglang umuulan,sa dalas ng mga gabing pinagkakaitan ng tulog,sa siksikan sa pila tuwing naghahabol sa paddating ng tren

Nadarama kita sa mga karakter na lagi kong pinanghihinayangan sa iba't ibang kuwento ng nababasa ko

在oo,nanghihinayang pa rin ako

IV

Binibilang ko ang lahat ng mga naiwan ko sa iyo:1 tshirt na paborito ko,naiwan ko ito sa dorm ninyo noong minsang nakitulog ako - para sa project mo

2 librong pinahiram ko lang sa iyo - Langaw sa Isang Basong Gatas ni Amado Hernandez at Banana Heart Summer ni Merlinda Bobis - huwag mo nang isauli,bumili na ulit ako ng mga ito

3 pinakamahalaga sa buhay ko:isip,oras,at puso

4 na mga salita:ikaw,ako - tayo,wala

V. May pakpak ang balita,may pakpak ang wika,Naghahabulan ang labo-labong mga salita - naririnig mo ba

VI

Hinihintay kita gaya ng matiyaga kong pagpila sa MRT tuwing umaga,Lunes hanggang Biyernes

Inaasahan ko ang pagdating mo,o bahagi mo Sa pagparoo't paritong mga bus tuwing Sabado na may espesyal na lakad ako

Hinihintay kitang muli sa通知sa消息请求,O mula sa text o tawag ng unknown number,sa bawat Linggong umay na umay na ako

Hinahanap kita sa loob at labas ng alam kong totoo

七

Sa ikapitong araw,tulad ng diyos nang likhain niya ang langit at lupa at ang lahat ng naririto - nagpapahinga rin ang mga pusong naghahanap

关于贡献者 - Wilmor Pacay 3rd是菲律宾菲律宾师范大学马尼拉的BSE毕业生,他曾担任Aklas Literary Folio和The Torch Publications Manila的文学编辑和主编

他曾担任Diwa Asia Publishing Group,Inc

的杂志编辑和Quipper Philippines的内容编辑

目前,他正在Treston国际学院教授菲律宾语,研究和创意写作,